Wag Kang Ganyan - Smugglaz, Yumi

Wag Kang Ganyan - Smugglaz, Yumi

Год
2015
Язык
`タガログ語`
Длительность
304000

以下は曲の歌詞です Wag Kang Ganyan 、アーティスト - Smugglaz, Yumi 翻訳付き

歌詞 " Wag Kang Ganyan "

原文と翻訳

Wag Kang Ganyan

Smugglaz, Yumi

Simple lang

Kung pwede naman

Simple lang

Kung pwede naman

Isang umaga na naman akong gumising

Nang hindi ko kayo katabi

Saka na lang namalayang tanghali na pala

Napuyat kakaisip ko kagabi

Maghapong tulala at nanghihinayang

Sa lumipas na nakaraan

Na nalason na ng iba’t ibang dahilan

Hanggang sa nawalan na ng paraan

Paraan na ayusin kung sinong naguguluhan

Tayo lang ang magtutulungan

Diba’t ayan ang turo sa atin ng iyong ina?

Ba’t na tayo nagtuturuan?

Kung sino bang dapat managot'

Sa lahat ng ito at umako ng sisi

Kahit na mabulag, mabinge’t, mapipi

Sige ako na, ganun lamang kasimple

Alam ko na hindi gano’n kadali

Pero alam ko naman na pwede mangyari

Kung dalawa tayong lalaban

Sabay kahit sablay ko’y napakarame

Subalit ngayon ang kapit mo d’yan

Masyado ng nahigpitan

Pinaliwanag ko na ang lahat

Wala ka pa din atang naintindihan

'Wag kang ganiyan

Dahil hindi ka naman ganito

Pilit kong pinaunawa sa iyo

Pero mas pinili mo na malito

'Wag kang ganiyan

Dahil hindi ka naman ganito

Pilit kong pinaunawa sa iyo

Pero mas pinili mo na malito

Simple lang naman ang nais kong sabihin sa puso mo’t isipan

'Wag mo muna akong sabayan kung pwede

'Di lang tayo magkakarinigan

Kung pwede naman, pwede na 'yan

Sapat na ang mga pagkakamali

Ang akin lang naman sana ay…

Madaling araw na namang naalimpungatan

Hirap makatulog ulit

Ayaw mapanaginipan ang pangit na mukha

Na nakikita sa pagpikit

Sayang lang at 'di mo naunawaan

Ang mga nais iparinig

Ang bulong ng puso ko sa gitna ng ingay

Ng mga nagsisigawang bibig

Natin na ayaw patalo subalit sa dulo panalo ka pa

Kung alam mong nasa katwiran ka pa

Para gumanyan sakin, masyado ka na

Kalooban ko ay ibinaba

Habang paningin mo’y nakatingala

Malabong makita mo 'to

Bale merong pag-asa man sakin ay balewala

Kaya nga heto na tayo sa puntong hindi ko hinangad

Sapagkat ikaw ang lang siyang kong lakas at kahinaan

'Di ko inasahang sagad mo lahat na ipapadama

Lahat ng mga sakit na dapat kong maramdaman

Dahil ang tama at mali’y 'di na umiiral pa sating mga karapatan

'Wag kang ganiyan

Dahil hindi ka naman ganito

Pilit kong pinaunawa sa iyo

Pero mas pinili mo na malito

'Wag kang ganiyan

Dahil hindi ka naman ganito

Pilit kong pinaunawa sa iyo

Pero mas pinili mo na malito

Simple lang naman ang nais kong sabihin sa puso mo’t isipan

'Wag mo na muna akong sabayan kung pwede

'Di lang tayo magkakarinigan

Kung pwede naman, pwede na 'yan

Sapat na ang mga pagkakamali

Ang akin lang naman sana ay…

'Wag mong hayaan na mawala lang basta ang ating pagmamahalan

'Di na ba mahalaga sa’yo ang lahat ng ating mga pinagdaanan?

Makinig ka sakin at aayusin natin ang lahat-lahat

Pwede bang 'wag kang ganyan?

Pwede bang 'wag kang ganyan?

Makinig ka naman dahil para sumagot sa akin lalo kung hindi patanong

Ang aking sinasabi dito sa larong sino man ang mataya, balagong

Alam kong kahit na pangunahan ka pa ay wala huli na ko pagkat

Minanipula mo ang aking kapalaran hanggang sa maging kumplikado lahat

Masakit man at yun ang totoo 'di man maipagtapat

Ang mga rason at batayan na alam mong satin ay 'di pa sapat

Para kinabukasan ay maisara yung kahapon ng mag-iba ka

Na parang aswang sa ilalim ng buwan na bilog halos 'di na kita kilala

Binigay ko ang lahat sayo kahit kapalit sakin ay halos wala

Kasi mahal kita gusto mo pa ba na akong masiraan, umayos ka nga

'Wag kang ganiyan, 'wag kang ganiyan

Dahil hindi ka naman ganito

Pilit kong pinaunawa sa iyo

Pero mas pinili mo na malito

Simple lang naman ang nais kong sabihin sa puso mo’t isipan

'Wag mo na muna akong sabayan kung pwede

'Di lang tayo magkakarinigan

Kung pwede naman, pwede na 'yan

Sapat na ang mga pagkakamali

Ang akin lang naman sana

Ay marinig ang aking tinig na nagsasabing mahal kita

'Wag kang ganiyan…

200万曲以上の歌詞

様々な言語の楽曲

翻訳

あらゆる言語への高品質な翻訳

クイック検索

必要なテキストを数秒で見つけます