Mas Masaya Sa Pilipinas - Siakol

Mas Masaya Sa Pilipinas - Siakol

Год
2015
Язык
`タガログ語`
Длительность
271040

以下は曲の歌詞です Mas Masaya Sa Pilipinas 、アーティスト - Siakol 翻訳付き

歌詞 " Mas Masaya Sa Pilipinas "

原文と翻訳

Mas Masaya Sa Pilipinas

Siakol

Tila lumalakas ang hangin

Mukhang mayroong bagyong paparating

Nakahanda ka na ba sakaling

Tumama sa atin

Nagliliparang basura at yero

Magbabaha na naman lagpas tao

Magbabagsakan bahay at mga poste

Walang kuryente

Mas matatag tayo

Sa bagsik ng bagyo

Mas masa

Mas masa

Mas masaya sa Pilipinas

Mas masa

Mas masa

Mas masaya sa Pilipinas

Bagyong Ondoy, Bagyong Pablo, Bagyong Yolanda

Wagas wagas ang pinamalas niyang trahedya

Bagyong Ondoy, Bagyong Pablo, Bagyong Yolanda

Babangon at babangon di niyo kami kaya

Maghahampasang mga punong kahoy

Na sinasayawan lang ng Pinoy

May instant beach na namang malalangoy

Sa agos na dadaloy

Lahat walang pasok basa ang tsok

Reunion na pati daga ipis at lamok

Isalang ang bidyoke pantanggal antok

Kanta ka ng Pagsubok

Mas malupit tayo

Sa hagupit ng bagyo

Mas masa

Mas masa

Mas masaya sa Pilipinas

Mas masa

Mas masa

Mas masaya sa Pilipinas

Kahit ano pa ang dumating

Ang tatag ng pinoy di kayang tibagin

Kayang ugain sandaling dadaing

Ngunit sa huli ngingiti ka pa rin

Ganyan tayo tol ganyan tayo pre

Ganyan sa pinas di papapansinin

Tibay ng loob kahit lumubog

Sa tatag na likas aahon ka pa rin

Kaya masaya kahit malungkot

Kumanta ka na lang para di mabagot

Sanay na kaming lumangoy sa baha

Sa mga balon ay manghuli ng palaka

Ano pa ba ang di kaya ng pinoy

Kahit hadlangan kami tutuloy

Dahil palaban nagtutulungan

Ilang unos man di kami kaya hoy

Mas matatag tayo (yan tayo, tayo’y pilipino)

Sa bagsik ng bagyo (yan tayo, tayo’y pilipino)

Mas masa

Mas masa

Mas masaya sa Pilipinas

Mas masa

Mas masa

Mas masaya sa Pilipinas

Mas masa

Mas masa

Mas masaya sa Pilipinas

Mas masa

Mas masa

Mas masaya sa Pilipinas

Bagyong Ondoy, Bagyong Pablo, Bagyong Yolanda

Wagas wagas ang pinamalas niyang trahedya

Bagyong Ondoy, Bagyong Pablo, Bagyong Yolanda

Babangon at babangon di niyo kami kaya

Lumalakas na nga ang hangin

At ang bagyo ay parang suki na natin…

200万曲以上の歌詞

様々な言語の楽曲

翻訳

あらゆる言語への高品質な翻訳

クイック検索

必要なテキストを数秒で見つけます