Pilipinas - Quest

Pilipinas - Quest

Год
2015
Язык
`タガログ語`
Длительность
158610

以下は曲の歌詞です Pilipinas 、アーティスト - Quest 翻訳付き

歌詞 " Pilipinas "

原文と翻訳

Pilipinas

Quest

Meron akong pangarap, alam ko ikaw din

Matagal ko nang hinahanap, liwanag sa dilim

Mailap ang tadhanang inaasam natin

Pero patuloy pa rin ang laban patungo sa kapayapaan

Pagkaka-isa, tugma kahit may pagkaka-iba

Di lang pera ang yaman, pati pag-ibig sa ating bayan

Pag-asa ay sagana, pagdating sa pangarap lahat may gana

Panahon na para lahat ng ito ay tuparin

Dahil ang Pilipinas ko ay Pilipinas mo rin

Bayan ko, bayan mo, walang iwanan Pilipinas natin 'to

Alam kong kaya mo, kaya ko, bayanihan ipakita natin 'to

Dahil ang bayan ko ay bayan mo, walang iwanan Pilipinas natin 'to

Hindi ka na mag-iisa, tara magsama-sama (Pilipinas sama-sama, sama-sama)

Wala nang lokohan, tama na ang sisihan

Wag kang patay malisiya, magkaintindihan

Bawas reklamo at dagdag ka ng aksyon

Pag lahat tayo’y sama-sama napakalakas nun

Manatili lang sa tama, paliko man ang daan

Ipagpatuloy ang liwanag gaano man kadilim yan

Di ka na mag-iisa, kami’y makiki-isa

Di na pwede ang pwede na

Panibagong simula para sa lahat walang eksklusibo

Kaunlaran sa lahat ng Pilipino

Iangat ang antas, ituwid ang landas

Abutin ang inaasam hanggang sa lumampas

Tayo mga bahaghari pagkatapos ng bagyo

Gaano man kahirap manatiling nakatayo

At muling pakinangin ang tatlong bituin at yung liwanag ng araw ay muling

pasilawin

Bayan ko, bayan mo, walang iwanan Pilipinas natin 'to

Alam kong kaya mo, kaya ko, bayanihan ipakita natin 'to

Dahil ang bayan ko ay bayan mo, walang iwanan Pilipinas natin 'to

Hindi ka na mag-iisa, tara magsama-sama

Para sa bagong simula

Tara magsama-sama

Hindi na pwedeng mag-isa

Pilipinas sama-sama

200万曲以上の歌詞

様々な言語の楽曲

翻訳

あらゆる言語への高品質な翻訳

クイック検索

必要なテキストを数秒で見つけます