Balewala - Loonie

Balewala - Loonie

Год
2019
Язык
`タガログ語`
Длительность
311750

以下は曲の歌詞です Balewala 、アーティスト - Loonie 翻訳付き

歌詞 " Balewala "

原文と翻訳

Balewala

Loonie

Sa mundong mapanghusga mapangmata at mapanuri

Dapat hindi ka basta basta nagpapaapekto sa mga paninirang puri

Lalong lalo na kung galing lamang sa mga mahihinang uri

Sabi sabi sakin «bathala"matapang ka pala

Pusong leon kaya dibdib mo ay walang daga

Alam mo bang mga pangarap mo ay pansamantala lamang

Samantala ang kapalaran ay sa mga tala nakatala?

Kaya pala parang «tamad"ng mag aral walang kadala dala

Walang pang baon

Pero kahapon pa ako handa

Maglakad sa gubat kahit na takot sa palaka

Inakyat ang kabundukan at maghapong nag-gala

Inabutan ng dilim muntikan nakong mawala

Sa sarili ko pag gapang ko wala kong makapa

Nasa dulo na, pala ng bangin wala ng kawala

Tumalon na lang kaya ako kakayanin ko kaya?

Kaya ako ay napadasal sabay salto padapa

Bahala na si batman yan ang saktong kataga

Tsaka na ko gagawa ng mga pakpak ko pababa!

Tinanggap ang bawat hamon ng mundo

Lumaban

Nakipaglaro ng apoy at

Patintero kay kamatayan

Bitbit ko ay panalangin paglabas ng pinto

Nakakapunit man ang hanging sasalubungin

Ay yayakapin ko!

Andami talagang nais manira ng pangalan

Ngunit ang karamihan at takot tumira ng harapan

Pag hindi ko na malaman kung kaibigan o kalaban

Ngingitian ko na lamang at.

«Yayakapin ko»

Kahit ga’no, kapait ng naranasan

Masakit na nakaraang hindi ko matakasan

Walang awang tadhana ay tatawanan

Kahit gano kasama ng kapalaran

«Yayakapin ko»

Sabi sakin ni Satanas:

«Mayabang ka pala»

Tuturuan kita kung paano magpakumbaba

Di kana maiisasalba ng mga kanta mong gawa

Pano mo to tutubusin ang kaluluwang matagal nang nakasangla?

Binaba ang dangal nagpakahangal para lang ikaw ay mahalin ng madla

Biniyayaan ng katanyagan kaso lang halata na hindi ka handa

Kaluluwa kapalit kasikatan yan ang usapang nakatakda

Sa kontratang to na may pangalan mo na nakalagda

Teka lang wag ka pakasigurado di mo pa ako pag aari

Dahil ang titulo ng kaluluwa koy nasakin

At ang kasunduan natin ay puro lamang usapang hangin

Kasi autograph ang nilagda ko sa kontrata

At handa akong tahakin ang mahabang landas pabalik

Balewala ang pagod at sakit basta pag uwi yakap at halik

Ng aking asawang malupit at ang dalawang anak kong makulit

Para sa kanilang kapakanan gagawin ko lahat anuman kapalit!

Tinanggap ang bawat hamon ng mundo

«Lumaban»

Nakipaglaro ng apoy at

Patintero kay kamatayan

Bitbit ko ay panalangin paglabas ng pinto

Nakakapunit man ang hanging sasalubungin

Ay yayakapin ko!

Whoooooooooooooooooooooaaaaaaaaaaaa!

Anu man ang hangarin sa akin ng langit kakayanin ko!

Whoooooooooooooooooooooaaaaaaaaaaaa!

Sugatan man ng malalim tagos sa damdamin

Ay tila balewala

Tatanggapin ko ng buo kahit pa gaano kapait

«Tila balewala»

Sasagarin ko hanggang sa buto kahit pa gaano pa kasakit

«Tila balewala»

Aakyatin ko ang pinakatuktok kahit pa gaano katarik

«Tila balewala»

Sa bawat suntok na sinalo ay may tadyak na kapalit

Dinuro-duro ako ng mundo kaya nginaratan ko pagbalik

Tinanggap ang walang kwentang mga hamon

Para bilhin si «loonie"binenta ko si «marlon»

Matalo man ngayon bukas ang pwersa koy babangon

Pangako mas malakas pa ng triple kesa sa kahapon

At kung putapete ang kadebate pare di bale nalang

Walang pakielam miski hirangin pinakamayabang

At kahit maraming kalaban na balak sirain ang aking pangalan ay balewala

Kasi wala naman akong pekeng imaheng inaalagaan kaya

Tinanggap ang bawat hamon ng mundo

«Lumaban»

Nakipaglaro ng apoy at

Patintero kay kamatayan

Bitbit ko ay panalangin paglabas ng pinto

Nakakapunit man ang hanging sasalubungin

Ay yayakapin ko!

Whoooooooooooooooooooooaaaaaaaaaaaa!

Anu man ang hangarin sa akin ng langit kakayanin ko!

Whoooooooooooooooooooooaaaaaaaaaaaa!

Sugatan man ng malalim tagos sa damdamin

Ay tila balewala

Andami talagang nais manira ng pangalan

Ngunit ang karamihan ay takot tumira ng harapan

Pag hindi ko na malaman kung kaibigan ko kalaban

Ngingitian ko na lamang

«Balewala»

Kahit gaano kapait ng naranasan

Masakit na nakaraang hindi ko matakasan

Walang awang tadhana ay tatawanan

Kahit ga’no kasama ng kapalaran ay, ay, ay, ay, ay,

Tatanggapin ko ng buo kahit pa gaano kapait

«Balewala»

Sasagarin ko hanggang sa buto kahit pa gaano kasakit

«Balewala»

Aakyatin ko ang pinakaa tuktok kahit gaano pa katarik

«Balewala»

Bawat suntok na sinalo ay may tadyak na kapalit

Dinuro-duro ako ng mundo kaya nginaratan ko pabalik

200万曲以上の歌詞

様々な言語の楽曲

翻訳

あらゆる言語への高品質な翻訳

クイック検索

必要なテキストを数秒で見つけます