Katulad Ng Iba - Gloc-9, Zia Quizon

Katulad Ng Iba - Gloc-9, Zia Quizon

  • リリース年: 2017
  • 言語: タガログ語
  • 間隔: 2:58

以下は曲の歌詞です Katulad Ng Iba 、アーティスト - Gloc-9, Zia Quizon 翻訳付き

歌詞 " Katulad Ng Iba "

原文と翻訳

Katulad Ng Iba

Gloc-9, Zia Quizon

Hindi lahat ng mahina, mananatiling mahina

Hindi lahat ng malakas ay palaging malakas

Hindi lahat ng mahina mananatiling mahina

Mata mo’y iyong buksan, bumangon ka’t makialam

Paggising sa umaga parang ayaw kong bumangon

Ayoko nang maligo, tapos na ko kahapon

Ubusin ang almusal, binabagalan lumamon

Hindi natutuwa kahit pa dagdagan ang baon

Palaging walang kibo, tahimik sa gabi

Hindi ako nakatulog ng magdamag buong gabi

Bilisan mo nang kumilos baka ka mahuli

Anak bakit ka tulala?

Lumalamig na ang kape

Di ko alam ang gagawin, ayoko ng pumasok

Hindi naman mabaho, bakit nakakasulasok?

Merong mga nangyayari satin sa paaralan

Hindi bukas makalawa, ngayon dapat solusyonan

Hindi lahat ng mahina, mananatiling mahina

Hindi lahat ng malakas ay palaging malakas

Hindi lahat ng mahina mananatiling mahina

Mata mo’y iyong buksan, bumangon ka’t makialam

Ano’ng iyong napapala pagnanapak ka sa mukha?

Maliliit tinatabunan ng tadyak sabay dura

Laging pinapagtulakan hanggang sila’y madapa

Na parang di mo alam ang salitang mapagkumbaba

Unipormeng maputi, papahiran ng dumi

Pinunit ang takdang aralin kong tinapos kagabi

Minsan ako’y napapa-isip, di ko maisang tabi

Pakikipagkapwa tao ba sayo ay guni-guni

Kaibigan isa lamang ang dapat mong tandaan

Nawa’y ang putik mong tinapakan ay di ka balikan

Dahil ang nagmamataas, kahit na may dahilan

Ay ang siyang nadudulas upang lupa’y halikan

Ang ibinababa ang siyang tinataas

Ang nagmamataas ang siyang nadudulas

Ang ibinababa ang siyang tinataas

Ang nagmamataas ang siyang nadudulas

Tayo’y maging mapagmasid tulungan natin sila

Wag tayong maging manhid na katulad ng iba

Tayo’y maging mapagmasid tulungan natin sila

Wag tayong maging manhid na katulad ng iba

Hindi lahat ng mahina, mananatiling mahina

Hindi lahat ng malakas ay palaging malakas

Hindi lahat ng mahina mananatiling mahina

Mata mo’y iyong buksan, bumangon ka’t makialam

Tayo’y maging mapagmasid tulungan natin sila

Wag tayong maging manhid na katulad ng iba

Tayo’y maging mapagmasid tulungan natin sila

Wag tayong maging manhid na katulad ng iba

200万曲以上の歌詞

様々な言語の楽曲

翻訳

あらゆる言語への高品質な翻訳

クイック検索

必要なテキストを数秒で見つけます