Kapangyarihan - Ben&Ben, SB19

Kapangyarihan - Ben&Ben, SB19

  • リリース年: 2021
  • 言語: タガログ語
  • 間隔: 4:29

以下は曲の歌詞です Kapangyarihan 、アーティスト - Ben&Ben, SB19 翻訳付き

歌詞 " Kapangyarihan "

原文と翻訳

Kapangyarihan

Ben&Ben, SB19

Akala niyo ba, ang kapangyarihan

Ay nasa inyo?

Sino ba kayo?

‘Di naman kami nagkulang

Sa aming pag-uunawa

‘Di ka namin isusuka

Kung hindi ka pa sukdulan

Huwag niyong tapakan

Ang katarungan

Akala niyo ba, ang kapangyarihan

Ay nasa inyo?

Sino ba kayo?

Magwawagi ang katotohanan

Ang kadiliman ay ibabagsak

Nagsisilbi ka dapat

Nagsisilbi ka dapat

‘Di ba?

Dapat ikaw ang nagsisilbi sa’min

Bakit tila kami’y nananaginip nang gising

Ang bawat pighati na dala, dagdag bigat damdamin

Pipilitin na pasanin hanggang sa mga mata niyo’y mamulat

Magising sa sigaw na sumasalamin sa sumpa niyong magsilbi sa amin

Tuluyang nawalan ng bisa

Ba’t sinaulo’t ‘di sinapuso bilang ng buhay ng tao

Kayong mga hari-harian pagkalaki na ng mga ulo

‘Wag niyong kalilimutan na hawak-hawak

Namin ang inyong trono

Nadidinig n’yo pa ba ‘ko?

Pangako’y napako dahil sa korona sa ulo niyo

‘Di na magpapaalipin pa

Sa mga rehas mo

‘Di mabubuwag ng kahit anumang sindak

Ang katotohanang 'to

Ibon na malayang lumipad

‘Di mo na makukulong

Akala niyo ba, ang kapangyarihan

Ay nasa inyo?

Sino ba kayo?

Magwawagi ang katotohanan

Ang kadiliman ay ibabagsak

Akala niyo ba, ang kapangyarihan

Ay nasa inyo?

Sino ba kayo?

Magwawagi ang katotohanan

Ang kadiliman ay ibabagsak

Nagsisilbi ka dapat

Nagsisilbi ka dapat

Katotohanan, ang dapat mamuno (Nagsisilbi ka dapat)

Sa namumuno sa mamamayan (Nagsisilbi ka dapat)

Makatarungan ang dapat mamuno (Nagsisilbi ka dapat)

Sa namumuno sa mamamayan (Nagsisilbi ka dapat)

Nagsisilbi ka dapat

Nagsisilbi ka dapat

200万曲以上の歌詞

様々な言語の楽曲

翻訳

あらゆる言語への高品質な翻訳

クイック検索

必要なテキストを数秒で見つけます